Add parallel Print Page Options

Ang Panalangin ni Habakuk

Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk:[a]

O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa,
    at ako'y lubos na humanga.
Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon
    ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon.
Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit.
Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman,
    ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran.
Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian,
    at puno ang lupa ng papuri sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Habakuk: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na ayon kay Sigionot .